Ito ay matapos malagdaan ng ASEAN member states at Australia ang ‘Memorandum of Understanding on a Cooperation to Counter International Terrorism’.
Layon ng naturang MOU na mapalakas ang kooperasyon ng dalawang panig sa paglaban sa terorismo, violent extremism at maging ang pagtutulungan sa pondo para rito.
Nanguna sa nasabing summit si Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na siyang kumatawan kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang joint statement ay iginiit ng mga lider ng mga bansa na ang pagbalangkas sa MOU ay sumasalamin sa pagkakaisa upang labanan ang sinumang nagnanais na maging dahilan ng pagkawatak-watak ng bawat komunidad.
Dagdag pa nito, ang kooperasyon ng bawat bansa ay mas kinakailangan ngayon bunsod ng banta sa seguridad ng mga foreign fighters maging ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL).
Iginiit din sa joint statement ang hindi maikakailang pagkakaisa ng mga ASEAN nations na labanan ang violent extremism at matalo ang mga terorista.
Samantala, ang Australia ang siyang pinakamatandang dialogue partner ng ASEAN.