MOU para labanan ang terorismo, nilagdaan ng Australia at ASEAN member states

By Rhommel Balasbas March 18, 2018 - 07:10 AM

Isang mahalagang pangyayari ang naganap sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) – Australia Special Summit.

Ito ay matapos malagdaan ng ASEAN member states at Australia ang ‘Memorandum of Understanding on a Cooperation to Counter International Terrorism’.

Layon ng naturang MOU na mapalakas ang kooperasyon ng dalawang panig sa paglaban sa terorismo, violent extremism at maging ang pagtutulungan sa pondo para rito.

Nanguna sa nasabing summit si Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na siyang kumatawan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang joint statement ay iginiit ng mga lider ng mga bansa na ang pagbalangkas sa MOU ay sumasalamin sa pagkakaisa upang labanan ang sinumang nagnanais na maging dahilan ng pagkawatak-watak ng bawat komunidad.

Dagdag pa nito, ang kooperasyon ng bawat bansa ay mas kinakailangan ngayon bunsod ng banta sa seguridad ng mga foreign fighters maging ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL).

Iginiit din sa joint statement ang hindi maikakailang pagkakaisa ng mga ASEAN nations na labanan ang violent extremism at matalo ang mga terorista.

Samantala, ang Australia ang siyang pinakamatandang dialogue partner ng ASEAN.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.