Bilateral meeting naganap sa pagitan nina Sec. Cayetano at Australian PM Turnbull

By Rhommel Balasbas March 18, 2018 - 07:06 AM

Photo courtesy of Department of Foreign Affairs

Nagpulong sina Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Australian Prime Minister Malcolm Turnbull at Foreign Affairs Minister Julie Bishop.

Ang bilateral meeting sa pagitan ng mga opisyal ay nangyari bilang bahagi ng sidelines ng ginagagap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) – Australia Special Summit sa Sydney na nagsimula kahapon araw ng Sabado March 17, at matatapos ngayong araw.

Si Cayetano ang tumayong kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakdang dumalo sa graduating ceremony ng Philippine Military Academy Class of 2018 sa Baguio City ngayong araw.

Wala pang isinisiwalat ang DFA sa kung ano ang mga napag-usapan sa naganap na bilateral meeting.

Gayunman, bago umalis ng bansa ay sinabi ni Cayetano na itataguyod ng gobyerno ng Pilipinas sa nasabing summit ang ‘commitment’ nito sa paglaban sa terorismo at ibabahagi rin ang ilang mga proyekto ng administrasyon tulad ng Build Build Build program.

Layon ng nasabing summit na malagdaan ng mga bansa ang ‘Memorandum of Understanding on Countering Internatonal Terrorism’ kung saan palalakasin ang kooperasyon at kolaborasyon ng mga bansa sa laban kontra terorismo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.