Kalat-kalat na pag-ulan asahan sa buong bansa – PAGASA

Makararanas ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang pulo-pulong pag-uulan ang buong Pilipinas ayon sa PAGASA.

Sa abiso na inilabas ng weather bureau, sinabi nito na asahan na ang katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa silangan patungong hilagang silangan sa hilagang bahagi ng Luzon, silangang bahagi ng Central at Southern Luzon, maging sa Visayas at Mindanao.

Asahan na rin ang bahagya hanggang sa malakas na alon ng dagat sa mga nabanggit na lugar.

Para naman sa nalalabing bahagi ng bansa, makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan patungong hilagang silangan na may dalang mahina hanggang sa bahagyang maalong karagatan.

Read more...