Isang commercial building ang nasunog na sumiklab bandang alas-4:30 ng madaling araw, at naapula pasado alas singko ng umaga.
Ayon sa Quezon City Fire Department nagsimula ang apoy sa storage facility ng isang construction company na nangungupahan sa gusali.
Wala namang naiulat na nasaktan dahil sa sunog.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga bumbero tungkol sa kabuuang halaga ng pinsala sa nasabing sunog at kung paano ito nagsimula.
MOST READ
LATEST STORIES