Establisyimento nasunog sa Quezon City

By Justinne Punsalang March 18, 2018 - 06:57 AM

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na naganap sa Manhattan Heights, na sakop ng Barangay Socorro, Quezon City.

Isang commercial building ang nasunog na sumiklab bandang alas-4:30 ng madaling araw, at naapula pasado alas singko ng umaga.

Ayon sa Quezon City Fire Department nagsimula ang apoy sa storage facility ng isang construction company na nangungupahan sa gusali.

Wala namang naiulat na nasaktan dahil sa sunog.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga bumbero tungkol sa kabuuang halaga ng pinsala sa nasabing sunog at kung paano ito nagsimula.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.