30 patay sa airstrike sa Syria

By Justinne Punsalang March 18, 2018 - 06:53 AM

AP PHOTO

Hindi bababa sa 30 katao ang namatay matapos maglunsad ng air strike sa Eastern Ghouta sa Syria.

Batay sa datos na hawak ng Syrian Observatory for Human Rights, hindi pa batid kung sino ang naglunsad ng air strike sa Zamalka.

Ayon kay Syrian Observatory head Rami Abdel Rahman, karamihan sa mga biktima ay naghahanda nang magsilikas sa lugar.

Sa kabuuan ang 1,390 na mga sibilyan na ang namamatay dahil sa mga pag-atake.

Samantala, noong 2011 naman ay mahigit 350,000 katao na ang napatay habang ilang milyon naman ang nagsilikas dahil sa madugong pagsupil sa mga protestang isinasagawa ng mga hindi pabor sa pamamahala ng kanilang gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.