ALAMIN: Mga lugar sa Visayas na magandang puntahan ngayong Lenten season ayon sa DOT

By Rhommel Balasbas March 18, 2018 - 04:50 AM

INQUIRER File Photo | Flagellants makes their way to the cross Cutud, San Fernando, Pampanga during Good Friday

Upang mas maging makahulugan ang paggunita at pagninilay ngayong panahon ng Kuwaresma, ay nagrekomenda ang Department of Tourism 6 – Western Visayas ng mga lugar na maaaring puntahan ng mga mananampalataya.

Ayon kay DOT-6 Regional Director Helen Catalbas, magandang mabisita ng mga Katoliko ang mga bayan ng Barotac Viejo, Calinog at Alimodian sa Iloilo sa Biyenes Santo.

Ito ay dahil magsasagawa ng reenactment ng ‘crucifixion’ o pagpapako kay Hesukristo sa Krus sa bundok ng Kalbaryo sa mga naturang bayan.

Isang Lenten presentation din ang maaaring dayuhin ng publiko na may pamagat na ‘Pagtaltal sa Balaan Bukid’ sa Jordan, Guimaras Island ayon sa opisyal.

Sa pamamagitan nito ay maglalakad ng dalawang kilometro ang mga deboto kung saan madadaanan nila ang 14 na istasyon bago marating ang tuktok ng bundok sa probinsya na tinatawag na Balaan Bukid.

Bukas din naman ang kagawaran sa pagdagsa ng mga tao sa mga beach at resorts sa Western Visayas dahil ang Semana Santa lamang ang panahon ng iilan upang magbakasyon.

Nanawagan si Catalbas sa mga lokal na pamahalaan at mga residente na maging handa sa pagdagsa ng publiko sa mga tourism sites.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.