DOT umaasang magiging ‘premium destination’ ang Boracay
Umaasa ang Department of Tourism (DOT) na ituturing na bilang isang ‘premium destnation’ ang isla ng Boracay matapos itong i-rehabilitate.
Sa media briefing ng Oplan Save Boracay, sinabi ni DOT-Western Visayas regional director Helen Catalbas na magiging world class tourism site ang Boracay kapag tuluyan na itong nalinis.
Aniya, kung aaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong pansamantalang isara ang isla sa loob ng isang taon ay hindi naman ito nangangahulugang hindi na maaaring tumanggap pa dito ng turista.
Dagdag pa ni Catalbas, hindi posible ang full-scale closure at hindi rin ito aniya ang intensyon ng DOT.
Paliwanag pa, kapag ipinasara ang Boracay ay tanging ang mga lumalabag na business owners lamang ang hindi na mag-ooperate, habang patuloy pa rin ang negosyo ng mga establisyimentong sumusunod sa batas at patakaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.