Zanjoe Marudo, Jericho Rosales, Jake Cuenca at Janella Salvador, nananatiling Kapamilya

Mananatiling bahagi ng Kapamilya network ang mga artistang isna Zanjoe Marudo, Jericho Rosales, Jake Cuenca at Janella Salvador.

Ito ay matapos muling pumirma ang mga ito ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN.

Sa serye ng Instagram posts ng @abscbnpr, iniupload ang mga larawan ng contract signing ng mga Kapamilya stars kasama ang mga ‘big boss’ ng network.

Sa kanyang contract renewal, bibida si Rosales sa isang teleserye na tatalakay sa realidad ng married life.

Isang teleserye rin ang niluluto para kay Salvador at mananatili itong bahagi ng Sunday variety show na ASAP.

Samantala, bibida naman sa isang family-oriented soap opera na may pamagat na ‘Play House’ si Marudo kasama si Angelica Panganiban.

Habang si Jake Cuenca naman ay nakatakdang mapanood sa isang horror film na kanyang gagawin kasama sina Bea Alonzo at Charo Santos.

Read more...