Lebel ng coliform sa Coron Bay matataas – DENR

By Justinne Punsalang March 18, 2018 - 01:04 AM

Pinagpa-planuhan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagbuo ng centralized septage facility sa Coron, Palawan.

Ito ay matapos lumabas sa pagsusuri ng nasabing kagawaran na lumagpas na sa safe limit ang lebel ng coliform mula sa dumi ng tao sa Coron Bay.

Ayon sa DENR-MIMAROPA, direkta kasing napupunta sa Coron Bay ang sewage ng mga hotel at restaurant na nakatayo sa isla. Ilang porsyento rin ng dumi ay nanggagaling naman sa mga informal settlers na walang maayos na daluyan ng dumi mula sa kanilang mga palikuran.

Kaya naman ayon sa DENR, magsasagawa sila ng relocation ng mga informal settlers sa lugar at kasabay nito ay tatanggalin naman ang mga establisyimento na nakatayo sa loob ng three-meter easement zone ng Coron Bay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.