Oil companies magpapatupad ng dagdag-bawas presyo ng petrolyo sa Martes

By Den Macaranas March 17, 2018 - 08:06 PM

Makaraan ang dalawang sunod na linggo na pagpapatupad ng price rollback, magpapatupad naman ng dagdag-bawas sa Martes ang mga kumpanya ng langis.

Sa impormasyon na nakuha ng Department of Energy (DOE), magpapatupad ang mga kumpanya ng petrolyo ng dagdag presyo sa halaga ng diesel ng mula P0.30 hanggang P0.40 kada litro.

Magpapatupad naman sila ng bawas presyo sa halaga ng gasolina na P0.10 bawat litro samantalang aabot naman sa P0.60 kada litro ang bawas sa presyo ng kerosene o gaas.

Ang panibagong paggalaw sa halaga ng produktong petrolyo ay dulot pa rin ng malikot na presyo nito sa world market ayon sa DOE.

TAGS: diesel, DOE, gasoline kerosene, diesel, DOE, gasoline kerosene

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.