Nominasyon bukas na para sa posisyon sa SC at Ombudsman
Binuksan na ng Judicial and and Bar Council (JBC) ang pagsusumite ng aplikasyon o rekomendasyon para sa posisyon ng Ombudsman at mahistrado ng Korte Suprema.
Sa harap ito ng nalalapit na pagtatapos ng 7 taong termino ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa July 26, 2018 at pagreretiro sa Upreme Court Associate Justice Presbitero Velasco Jr. sa August 8.
Ang mga interisado ay mayroong hanggang May 2, 2018 para magsumite ng aplikasyon at rekomendasyon.
Si Morales ay magugunitang itinalaga bilang Ombudsman ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong 2011, habang si Velasco ay naitalaga bilang mahistrado sa Supreme Court sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ang Ombudsman at Supreme Court ay parehong laman ngayon ng mga balita dahil sa ilang isyu ng hindi nila pagkakaunawaan sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.