Mga tauhan ng PNP at AFP huli sa online sambungan

By Rohanisa Abbas March 17, 2018 - 04:09 PM

Arestado ang ilang pulis, lokal na opisyal at isang sundalo sa pagsalakay sa isang restaurant na nago-operate ng online na sabungan sa Baliuag, Bulacan.

Isinagawa ng Philippine National Police Counter Intelligence Task Force (CITF) at Anti-Cybercrime Group ang raid sa Globaliwag Restaurant dakong 9:45 kagabi.

Timbog ang 150 katao, kabilang ang ilang sibilyan at may-ari nito na si Enecito Dahan Payapaya.

Kinilala ang iba pang inaresto na miyembro ng CITF na sina PO1 Jestoni Fuentebella, PO1 Jeffrey Mateo at PO3 Nolasco Bernardo Juan.

Kasama rin sa mga inaresto sina Private First Class Enrique Quinaquin Jr. at sinibak na pulis na si Emmanuel Leonardo.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang mga naaresto samantalang ahaharap naman sa hiwalay na kasong administratibo ang mga inarestong uniformed personnel.

TAGS: AFP, baliwag bulacan, CITF, councilor, online sabungan, PNP, AFP, baliwag bulacan, CITF, councilor, online sabungan, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.