Death benefits ng mga namatay na Barangay officials pwedeng iproseso online

Inquirer file photo

Maaari nang i-proseso online ng mga benepisyaryo ng mga nasawing opisyal ng Barangay ang death and burial claims, ayon sa Department of Interior and Local Government.

Ito ay sa pamamagitan ng Barangay Information System (BIS) sa intranet.dilg.gov.ph.

Inilabas ni DILG officer-in-charge Eduardo Año ang revised rules and regulations para rito.

Ayon kay Año, binuo ang BIS para makakalap ng listahan ng mga nasawing opisyal ng Barangay na isa sa basic requirement ng Department of Budget and Management (DBM) para sa paglalaan ng pondo.

Sakop ng death benefit claims ang mga opisyal ng Barangay na namatay sa panahon ng kanilang panunungkuluan batay na rin sa Executive Order No. 115.

Makatatanggap ng P20,000 death benefit at P2,000 burial expenses ang mga benepisyaryo ng nasawing Punong Barangay.

Mayroon namang P10,000 death benefits, at P2,000 burial expenses na matatanggap ang mga benepisyaryo ng nasawing myembro ng Barangay Council, kabilang ang Sangguniang Kabataan chairpersons na ex-officio members, Barangay secretary at Barangay treasurer.

Read more...