Aguirre aminadong wala siyang full control sa mga piskal
Nais ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ma-amyendahan ang National Prosecution Service Law.
Sinabi ito ni Aguirre makaraang maglabas ng desisyon ang NPS na nagbabasura sa drug cases laban sa self- confessed drug lord na si Kerwin Espinosa, Peter Lim at 20 iba pa.
Ayon sa kalihim, hindi sinusunod ng mga state prosecutor ang kanyang utos dahil sa NPS at mayroon lang umano siyang “appellate jurisdiction.”
Bukod dito, ang NPS aniya ay mayroong autonomy at malayang makapagpapasya kahit hindi sang-ayunan ng tanggapan ng Justice Secretary.
Aminado si Sec. Agurre na hindi pa niya nababasa ang resolusyon na nagbabasura sa kaso ni Espinosa.
Gayunman, iniutos na ng kalihim ang pagbuo ng lupon na magrerepaso sa resolusyon at pinaiimbestigahan na rin niya ang mga public prosecutor na nagbaba ng desisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.