19,000 manggagawa mawawalan ng trabaho sa pagsasara ng Boracay

By Jimmy Tamayo March 17, 2018 - 10:52 AM

Inquirer file photo

Aabot ng 19,000 na mga manggagawa ang maaapektuhan ng pagsasara ng Boracay Island.

Kabilang sa direktang tatamaan ng hakbang ay ang mga kargador sa bangka, tricycle driver at mga trabahador ng iba’t-ibang resort doon.

Sinabi ni Neneth Graf, Pangulo ng Boracay Foundation Inc. na nagpadala na sila ng liham sa Malacañang para irekonsidera ang desisyon na pagpapasara sa isla.

Aniya, malaki ang negatibong epekto nito lalo na sa international community.

Maging ang taunang aktibidad sa isla tuwing Mayo na “Labor-Racay” ay posibleng hindi matuloy sa pangamba na makadagdag pa sa problema ang pagdagsa ng mga turista.

Samantala, magsasagawa naman mamayang gabi ng Save Boracay Campaign na lalahukan ng mga dayuhan at lokal na turista para ipanawagan ang pagsagip sa sikat na isla.

Sa nasabing aktibidad magpapatay ng ilaw ang mga business establishment sa isla sa loob ng walong minuto at hinihikayat din ang mga turista na pailawin ang kanilang mga cellphones.

TAGS: boracay, closure, duterte, graf, boracay, closure, duterte, graf

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.