Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employment ang halos ay 60,000 jobs na naghihintay sa mga maaapektuhan ng temporary closure ng Boracay island.
Kinumpirma ni Labor Sec. Silvestra Bello III na ilang mga kumpanya na ang nagsabi na handa silang kumuha ng mga tauhan na maaapektuhan ng Boracay closure.
Kabilang sa kumpanyang ito ang EEI Corporation na kabahagi ng Build Build Build program ng pamahalaan.
Sinabi pa ni Bello na nakikipag-ugnayan na rin sila Department of Social Welfare and Employment para sa pagbuo ng emergency employment sa mga pansamantalang mawawalan ng trabaho.
Kabilang dito ang pagtulong sa livelihood program para makapagsimula ng maliit na negosyo ang ilang mga maaapektuhan sa rehabilitasyon ng Boracay.
MOST READ
LATEST STORIES