43 mga baril kabilang ang isang Barret rifle isinuko sa militar sa Lanao Del Sur

By Den Macaranas March 17, 2018 - 08:45 AM

Inquirer file photo

Umaabot sa 43 high powered firearms ang isinuko sa militar ng ilang mga residente sa bayan ng Piagapo, Lanao Del Sur.

Sa ulat ni Major General Roseller Murillo, Commander ng Joint Task Force Ranao na ang mga isinukong armas ay bilang pagtugon sa kanilang inilunsad na kampanya laban sa mga loose firearms sa kanilang nasasakupan.

Ginawa ang pagsusuko sa militar ng mga armas sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Piagapo Municipal Hall kahapon.

Sinabi ni Piagapo Mayor Ali Sumandar na kaagad na tumalima ang kanyang mga kababayan sa kampanya ng militar laban sa mga iligal na baril.

Magugunitang noong April 21, 2017 o ilang araw bago ang naganap na Marawi siege ay napatay ng mga tauhan ng militar ang halos ay 30 miyembro ng Maute group sa bayan ng Piagapo.

Noong nakaraang Disyembre naman ay apat na mga negosyante ang pinatay ng mga Maute members sa nasabi ring bayan.

Kabilang naman sa mga isinukong armas sa militar ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1 – Ultimax 5.56mm squad automatic weapon

1 – Rocket Propelled Grenade 7 (RPG 7) with 1 ammo

1 -Barret Cal .50 sniper rifle

2 – M16 w/ M203

6- M14 7.62 mm rifle

12- M16A1 5.56mm rifle

5 – M653 5.56 mm rifle

3- Bush Master M16 5.56 rifle

1- M4 5.56mm Rifle 1- Magpul 5.56mm Rifle 1- Browning Automatic Rifle (BAR)

1- M79 Grenade Launcher

1 – M2 Carbine Rifle

1 – Thompson 9mm Machine Gun

1 – Uzi 9mm

1 – cal 45 Pistol

3 – KJ 9mm Rifles

TAGS: baret, illegal firearms, Lanao Del Sur, piagapo, baret, illegal firearms, Lanao Del Sur, piagapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.