Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan, asahan sa Samar – PAG-ASA

By Rhommel Balasbas March 17, 2018 - 06:31 AM

Inaasahan magkakaroon ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan sa silangang bahagi ng bansa partikular sa Samar bunsod ng pag-iral ng Easterlies.

Ito ay ayon sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw ng Sabado.

Muli namang umiral ang northeast monsoon o hanging amihan na makakaapekto sa extreme northern Luzon.

Inaasahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may paminsan-minsang pag-ulan sa Batanes dahil sa amihan.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng Luzon ay patuloy pa ring makararanas ng magandang panahon maliban sa mga panandaliang buhos ng ulan.

Inaasahan naman ang ‘generally fair weather’ sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.