Panukalang bubuo sa Philippine Rise Development Authority, isinusulong sa Senado

By Rhommel Balasbas March 17, 2018 - 05:44 AM

Isinusulong sa Senado ni Senator Sonny Angara ang panukalang batas na layong lumikha sa Philippine Rise Development Authority (PRDA).

Sa ilalim ng Senate Bill 312, ang pagbuo sa PRDA ay may layuning magtaguyod, pamunuan ang koordinasyon para sa mga nagnanais na manaliksik sa Philippine Rise at pangalagaan ang lahat ng likas na yamang matatagpuan dito.

Ayon kay Angara, marami pang kailangang malaman tungkol sa naturang teritoryo kaya nararapat lamang na magkaroon ng one-stop shop o isang ahensyang mangunguna para sa koordinasyon sa mga ibang lahing nais manaliksik sa Philippine Rise.

Iginiit ng senador na idineklara ng United Nations na ang Pilipinas ang may sovereign rights sa teritoryo.

Dahil anya dito ay nabigyan din ang bansa ng ‘exclusive rights’ na saliksikin at linangin ang mga yamang dagat nito.

Dagdag pa ng senador, makatutulong ang PRDA upang maabot ang ‘sustainable development’ sa Philippine Rise partikular na ang potensyal nitong alternatibong mapagkunan ng energy at marine resources.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.