SA PBA semis: NLEX, pinadapa ang Magnolia; tie na sa 2-2

By Rhommel Balasbas March 17, 2018 - 05:34 AM

Pinakita ng NLEX Road Warriors na hindi sila susuko sa PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos nilang muling talunin ang Magnolia Hotshots sa pagpapatuloy ng kanilang best-of-seven semi-finals series sa iskor na 91-79 sa Mall of Asia Arena kagabi.

Dahil dito, tie na ang dalawang koponan sa 2-2 standing.

Nagpatikim ng pamatay na 14-0 ang NLEX sa first half at nakapagtala ng 16-point advantage sa pagbubukas ng third frame para maitala ang iskor na 55-39.

Nanguna para sa NLEX si Kiefer Ravena na napag-alamang may sakit pa nang lumaban.

Hawak ng Road Warriors ang 80-65 advantage sa natitirang limang minuto ngunit nagpasiklab si Ravena bago matapos ang laban at nanguna sa 12-point lead.

Nagtala si Ravena ng 20 points, five assists at three rebounds.

Magaganap ang Game 5 ng laban sa Ynares Center sa lungsod ng Antipolo sa Linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.