Matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court, nanawagan ang European Union sa gobyerno ng Pilipinas na payagan ang patas at transparent na imbestigasyon sa madugong war on drugs ng administrasyon nito.
Sa statement na ipinadala sa United Nations Human Rights Council, nagpahayag ang EU ng matinding pag-aalala sa mataas na bilang ng pagpatay na iniuugnay sa kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.
Hinimok ng EU ang Pilipinas na sumunod sa due process at domestic at international human rights laws.
Iginiit ng naturang international body ang halaga ng pagpapatupad ng paglaban sa droga na naka-sentro sa public health at pagsunod sa due process at mga batas ng bansa at international community.
Ang pahayag ng EU ay kasunod ng sinabi ni European Commission Director General for International and Development Stefano Manservisi na tuloy ang pagpondo ng EU sa mga proyekto sa Pilipinas sa kabila ng nababahirang relasyon sa pagitan ng EU at gobyerno ng Pilipinas.