Malacañang, itinangging harassment ang election-related case vs Ex-Pnoy kaugnay ng Dengvaxia

By Marilyn Montaño March 17, 2018 - 01:57 AM

Itinanggi ng Malakanyang na harassment o panggigipit ang election related case na isinampa laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay ng Dengvaxia.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang imbestigasyon at tapusin na ito para malaman na kung sino ang mga may pananagutang kriminal.

Giit ni Roque, walang nangha-harass kay Aquino pero mabuti rin na humarap ito sa imbestigasyon dahil kung hindi ito magsasalita ay hindi malalaman ng mga nag-iimbestiga kung ano talaga ang dapat niyang pananagutan.

Katwiran pa ni Roque, ni minsan ay hindi nagsalita si Pangulong Duterte laban kay Aquino kaugnay ng umanoy electioneering sa paglabas ng pondong pambili ng Dengvaxia.

Sinabi pa nga anya ng pangulo na siguro ay ipapatupad din niya ang dengue vaccination program, patunay anya ito na walang nanggigipit sa dating pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.