Ex-Comelec Chair Bautista, pinayuhan ng Malacañang na bumalik na ng bansa

Pinayuhan ng Malakanyang si dating COMELEC Chairman Andres Bautista na bumalik sa bansa dahil itutuloy na ng Senado sa susunod na linggo ang imbestigasyon sa umanoy nakaw na yaman nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang pagbiyahe ay ‘admission of guilt’ kaya kung wala anyang kasalanan si bautista ay umuwi ito.

Noong kinatawan pa siya ng party list group, isa si Roque sa mga mambabatas na nagsulong ng impeachment ni Bautista noong nakaraang taon pero nag-resign kalaunan si Bautista.

Una nang sinabi ni Bautista na wala siyang natanggap na imbitasyon mula sa Senado dahil nasa ibang bansa siya.

Read more...