Nauna nang nauwi sa deadlock ang negosasyon Biyernes ng gabi ngunit ilang mga ‘developments’ ang naganap kalaunan.
Ilan sa mga napagkasunduan ay ang mga OFWs na ang hahawak ng kanilang passports at ang kanilang mga kontrata ay kailangang alinsunod na sa batas ng Pilipinas.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nagkasundo rin ang gobyerno ng Pilipinas at mga opisyal ng Kuwait na lagdaan na ang MOU sa loob ng dalawang linggo na gaganapin sa Kuwait.
Ang mga negosasyong ito ay naganap matapos ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total deployment ban ng OFWs sa naturang bansa.
Ito ay matapos ang pagkamatay ng Pinay OFW na si Joanna Demafelis na natagpuan ang katawan sa loob ng isang freezer sa isang apartment.