WATCH: 300 bahay nasunog sa Lapu-Lapu City
Tinupok ng apoy ang aabot sa 300 mga bahay sa tabing dagat sa Lapu-Lapu City.
Ayon kay Fire Senior Insp. Eulalio Muñez, officer-in-charge sa Lapu-Lapu City Fire Central District, naganap ang sunog alas 5:10 ng hapon sa Barangay Pajo.
Makalipas ang ilang minuto agad umabot sa general alarm ang sunog dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.
Partikular na tinupok ng apoy ang mga kabahayan sa Sitio Kotchen at Sitio New Paradise.
Ayon kay Andy Berame, pinuno ng Disaster Risk Reduction Management Office ng Lapu-Lapu City, pansamantalang dinala sa Pajo gym at sa City Sports Complex ang mga nasunugan.
WATCH: Fire razes homes built along the shorelines of Barangay Pajo, Lapu-Lapu City via @marcCDN pic.twitter.com/xWAEXYO31j
— Cebu Daily News (@cebudailynews) March 16, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.