Mosyon kontra warrant of arrest sa mga miyembro ng Aegis Juris hindi muna dinisyunan ng korte
Hindi muna dinisisyunan ni Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Alfredo Ampuan ang mosyon ng ilang miyembro ng Aegis Juris Fraternity na huwag munang magpalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kanila.
Sa pagharap ng mga suspek sa pagpatay kay UST law student Horacio Atio Castillo III sa korte, sinabi ni Ampuan na pag-aaralan niya muna kung may probable cause ang kaso.
Magugunita na 10 fraternity members ang kinasuhan ng DOJ ng paglabag sa Anti-Hazing Law at walo sa kanila ang dumalo sa pagdinig.
Ito ay sina Arvin Balag, Min Wei Chan, Oliver Onofre, Joshua Macabali, Daniel Rodrigo, Robin Ramos at Jose Salamat.
Nakadalo din sa korte ang mga magulang ni Castillo na sina Horacio Jr at Carmina Castillo.
Samantala, inatasan din ng hukuman ang panig ng prosekusyon na magsumite ng komento hinggil sa motion to quash na isinumite ng mga akusado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.