Ayon sa abiso ng DPWH, magsisimula ang reblocking activities at road repairs alas 11:00 ng gabi ng Biyernes (March 16) hanggang alas 5:00 ng umaga ng Lunes (March 19).
Narito ang mga maaapektuhang kalsda sa Quezon City:
Northbound
- Quirino Highway mula Pagkabuhay Road hanggang Kingspoint, inner lane
- Congressional Avenue mula San Beda Road hanggang Visayas Avenue, 1st lane
- EDSA sa harap ng Shell Gas Station hanggang sa Oliveros Street, 4th lane
- Bonifacio Avenue mula Del Monte Street hanggang Mauban Street, outerlane
Southbound
- Bonifacio Avenue crossing Sgt. Rivera, inner lane
- Visayas Avenue, sa harap ng Presidential Communications Operations Office, outerlane
Samantala ilang bahagi rin ng C5 Road sa Taguig City ang sasailalim sa repair.
Ayon sa DPWH, sa Lunes ng umaga ay madaraanan na ng mga motorista ang mga apektadong kalsada.
MOST READ
LATEST STORIES