Ilang lansangan sa QC at Taguig sasailalim sa road reblocking ngayong weekend

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 16, 2018 - 06:49 PM

Ilang lansangan sa Quezon City at Taguig City ang sasailalim sa reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.

Ayon sa abiso ng DPWH, magsisimula ang reblocking activities at road repairs alas 11:00 ng gabi ng Biyernes (March 16) hanggang alas 5:00 ng umaga ng Lunes (March 19).

Narito ang mga maaapektuhang kalsda sa Quezon City:

Northbound

  • Quirino Highway mula Pagkabuhay Road hanggang Kingspoint, inner lane
  • Congressional Avenue mula San Beda Road hanggang Visayas Avenue, 1st lane
  • EDSA sa harap ng Shell Gas Station hanggang sa Oliveros Street, 4th lane
  • Bonifacio Avenue mula Del Monte Street hanggang Mauban Street, outerlane

Southbound

  • Bonifacio Avenue crossing Sgt. Rivera, inner lane
  • Visayas Avenue, sa harap ng Presidential Communications Operations Office, outerlane

Samantala ilang bahagi rin ng C5 Road sa Taguig City ang sasailalim sa repair.

Ayon sa DPWH, sa Lunes ng umaga ay madaraanan na ng mga motorista ang mga apektadong kalsada.

 

 

 

 

TAGS: Metro Manila, quezon city, Radyo Inquirer, road reblocking, road repairs, Taguig City, Metro Manila, quezon city, Radyo Inquirer, road reblocking, road repairs, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.