Ginang na umano’y ginahasa ng mga pulis sa Bulacan, hindi na magsasama ng kaso

By Len Montaño March 16, 2018 - 05:27 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Hindi na magsasampa ng kaso ang buntis na nag-akusa sa mga pulis sa Bulacan na umanoy nanggahasa sa kanya.

Sa text message ng gunang kay Sr. Insp. Susan Cullamco, sinabi umano ng ginang na hindi na niya kakasuhan ang mga pulis at ipinagpaubaya na nito sa Diyos ang lahat.

Ayon kay Cullamco, sinabi ng babae sa kanyang mensahe na ayaw na nitong lumaban at gusto na lang nitong mawala.

Wala na anya itong lakas ng loob at ubos na ang dahilan sa kanyang kahihiyan.

Dagdag umano ng ginang, ano man anya ang mangyari sa kanila ay ipapasa-Diyos na lang niya ito.

Nagsabi rin umano ang ginang na pakawalan na lang ang mga pulis dahil alam niya na may kunsensya ang mga ito.

Kahit anya hindi makulong ang mga pulis ay may awa ang diyos at diyos na lang ang maniningil.

Sa kabila naman ng pag-atras ng ginang ay sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na itutuloy ng internal affairs service ang kaso laban sa mga pulis.

Ang mga inakusahan namang mga pulis, nag-demand ng public apology mula sa ginang dahil nasaktan umano ang kanilang mga pamilay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bulacan, PNP, Radyo Inquirer, Bulacan, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.