Bahagi ng loan ng Pilipinas sa Japan para sa Metro Manila subway nilagdaan na
Nilagdaan ng Pilipinas at Japan ang unang bahagi ng 104.5 billion yen na loan para sa kauna-unahang subway sa Metro Manila.
Ginawa ang pirmahan sa pagitan nina Finance Secretary Carlos Dominguez at Japan International Cooperation Agency chief representative Yoshio Wada.
Ayon kay Dominguez, magsisimula ang paunang operasyon ng subway sa 2020. Aniya, ito ang pinakamalaking single project sa ilalim ng walong trilyong pisong programang “Dutertenomics.”
Magkakaroon ng 14 na stasyon ang subway mula Mindanao Avenue sa Quezon City hanngang sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay Dominguez, ito ang magsisilbing kinatawan ng promgramang imprastruktura ng administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.