6 ang patay sa operasyon ng pulisya sa North Cotabato

Patay ang hindi bababa sa anim katao na kabilang sa wanted list sa North Cotabato.

Ayon kay Senior Supt. Jonatahan Tangonan, hepe ng North Cotabato police, nagsagawa ng operasyon ang pulisya para isilbi ang search at arrest warrants sa 16 na bayan.

Dito umano nanlaban ang anim na wanted persons, at nakipagbarilan sa mga pulis.

Kinilala ng pulisya ang mga nanlabang suspek na sina Jerry at John Rey Castillon, John Ryn Lapastura at Angelito Cabalfin sa Tulunan; Ronnie Acoy at Samboto Macaulang sa Kabacan.

Samantala, 38 iba pa ang inaresto sa naturang operasyon.
Nahaharap sila sa mga kaso ng iligal na droga, illegal posession of firearms and explosives, rape, robbery, illegal gamblind, murder, at attempted murder.

 

 

 

 

Read more...