Nagbitiw sa pwesto ang brand president ng Nike Inc. na si Trevor Edwards sa gitna ng imbestigasyon sa mga reklamo sa loob ng kumpanya.
Ayon sa tagapagsalita ng Nike, nakatakda ring magretiro sa Agosto si Edwards. Sa ngayon, siya ang magsisilbing adviser kay Nike Chief Execuite Officer Mark Parker.
Magsisilbi namang president of consumer and marketplave si Elliott Hill, dating pangulo ng Nike Geographies.
Ayon sa isang ulat, may natanggap na mga reklamo ang Nike ukol sa mga gawain sa loob ng kumpanya.
Nilinaw naman ng tagapagsalita ng Nike na walang direktang alegasyon ng misconduct laban kay Edwards.
Noong nakaraang taon, pinangunahan ni Edwards ang ilang pagbabago sa kompanya. Ilan sa mga ito ang pagbabago sa struktura ng liderato, pagbawas sa shoe styles nito, at pagbawas nang 2% sa workforce.
Ayon kay Parker, iniimbestigahan na ng Nike ang mga sistema at mga gawain sa kompanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.