61-anyos na preso natagpuang nakabigti sa Cebu

CDN Photo

Isang 61-anyos na preso ang natagpuang nakabigti sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center sa Cebu City.

Ayon kay CPDRC acting jail warden Roberto ‘Bobby’ Legaspi, ang preso na si Rodrigo Dechosa na akusado sa kasong parricide ay natagpuang nakabigti pasado alas 6:00 ng umaga ng Biyernes.

Ang nurse na si Lizardo Lagaras ang nakadiskubre kay Dechosa na bago magpakamatay ay ginamot pa infirmary ng bilangguan dahil sa hypertension.

Inirekomenda din ng infirmary ng bilangguan na matignan ng orthopaedic ang preso dahil sa idinadaing nitong sakit.

Noong nakaraang linggo, isang preso din ang natagpuan na nakabigti sa loob ng detention facility.

 

 

 

 

 

 

Read more...