Sapat ang suplay ng kuryente sa nalalapit na panahon ng tag-init ayon sa DOE
Pinawi ng Department of Energy ang mga pangambang madadalas ang pagkakaroon ng power interruption ngayong papalapit na ang summer season.
Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, sapat ang suplay ng kuryente.
Ani Cusi, batay sa projection ng DOE, hindi inaasahan ang pagkakaroon ng brownouts na resulta ng kakapusan ng suplay.
Binabantayan din ng DOE ang power rates para matiyak na hindi magkakaron ng ‘unnecessary adjustments’ sa presyo ng kuryente.
Bagaman sapat ang suplay, sinabi ng DOE na maaring may pagkakataon na kapusin ang reserba ng kuryente kapag may mga biglaan o hindi inaasahang shutdown ng planta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.