Pagkakaroon ng deputy chief justice sa SC ipinanukala ng JBC

By Rohanisa Abbas March 16, 2018 - 01:59 PM

Ipinanukala ng pangulo ng Integrated Bar of the Philippines in Baguio-Benguet ang pagkakaroon ng Deputy Chief Justice para protektahan sa pulitika ang hudikatura.

Ayon kay Atty. Alan Antonio Mazo, ang deputy chief justice ang otomatikong papalit sa chief justice oras na mag-retiro ito o incapacitated o hindi kayang gampanan ang tungkulin.

Sinabi ni Mazo na ang itatalagang deputy chief justice ay magmumula sa listahan ng tatlong associate justices.

Dagdag ng abogado, maaari ring ibaba mula 70 sa 60 ang edad ng mandatory retirement ng trial court justice.

Ayon kay Mazo, mainit na usapin ngayon sa legal profession ang reporma sa hudikatura sa gitna ng impeachment case at quo warranto petition na kinakaharap ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Associate Justice, deputy chief justice, Supreme Court, Associate Justice, deputy chief justice, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.