WATCH: Dela Rosa sinisi ang DOJ kung bakit nabasura ang drug case ni Kerwin Espinosa

Sinisi ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa ang Department of Justice (DOJ) sa pagkakabasura sa kaso ni Kerwin Espinosa at iba pang personalidad na may kinalaman sa iligal na droga.

Ayon sa pasya ng prosecution panel, mahina umano ang ebidensya na inihain ng Crime Investigation and Detection Group kung kaya’t inabswelto ng mga prosecutor si Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba pa.

Pero ayon kay Dela Rosa alam nya na hindi trabaho ng DOJ na ipaaalam sa kanila kung mahina ang ebidensya ng CIDG gayunman sana ay nakonsensya man lang ang departamento na sabihin sa kanila ito para hindi nabasura ang kaso.

Aniya, kahit pa magkahiwalay sila ng team ng DOJ ay pareho lang nasa ilalim ng Chief Executive branch ng gobyerno kung kaya’t pareho silang dapat na nagco-coordinate.

Paliwanag nya, kung nasabihan lang sana sila ng maaaga na dagdagan ang ebidensya ay posibleng iba ang kinahantungan ng inilabas na desisyon.

Disyembre pa kasi noong nakaraang taon lumabas ang resolusyon ng DOJ pero Pebrero nitong taon lang nila ito nalaman.

Samantala, muli namang iginiit ni Dela Rosa na gagamit na ng subpoena powers ang PNP sa kaso ni Espinosa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...