Mang-aabusong employer ng mga OFW sa Kuwait gustong ipa-blackist ng DOLE

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 16, 2018 - 12:48 PM

Nais ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maisama sa memorandum on understanding sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait ang pag-blackist sa mga employer na mapapatunayang nang-abuso sa mga Filipino worker.

Ani Bello kung ang isang manggagawa ay namaltrato, ang kaniyang employer at foreign recruitment agency ay dapat maisailalim sa blacklist.

Sa ngayon nagpapatuloy ang pag-uusap sa pagitan ng mga opisyal ng dalawang bansa para maisapinal ang bilateral agreement na magbibigay proteksyon sa mga OFW sa Kuwait.

Sinabi ni Bello kapwa binubusisi ng magkabilang panig ang mga lalamanin ng kasunduan.

Kasama sa mga proteksyong inilatag ng Department of Labor and Employment at Department of Foreign Affairs ang mapanatili sa OFWs ang kanilang pasaporte at cellphones.

 

 

 

TAGS: bilateral talks, kuwait, OFWs, Radyo Inquirer, bilateral talks, kuwait, OFWs, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.