Tinaguriang pork parrel scam queen Janet Napoles, isinailalim sa WPP ng DOJ

Inquirer File Photo

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na isinailalim na nila sa Witness Protection Program (WPP) ang tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles.

Base sa dokumento mula sa DOJ, February 27, 2018 pa naging epektibo ang pagsasailalim kay Napoles sa Witness Protection Security and Benefit Program (WPSBP).

Ang certification na nilagdaan ni Program Director, Sr. State Prosecutor Nerissa Molina-Carpio ay inilabas ng Sandiganbayan kung saan dumadalo si Napoes sa pagdinig sa kaniyang kaso.

Kinumpirma naman ni DOJ Usec. Erickson Balmes na si Napoles ay nag-execute ng affidavit at nasa ilalim na ng provisional WPP ng kagawaran.

Ani Balmes bagaman nasa kapangyarihan ng DOJ na tanggapin si Napoles sa WPP, ang Sandiganbayan naman ang magpapasya kung idedeklara siyang state witness.

Si Napoles ay nahaharap sa mga kasong plunder at graft dahil sa pork barrel scam.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...