Liham ng pag-withraw ng Pilipinas sa ICC naibigay na sa UN
Pormal nang inabisuhan ng Pilipinas ang United Nations sa pagkalas ng bansa sa International Criminal Court.
Ipinadala ni Philippine Ambassador to the UN Teddy Locsin ang liham kaugnay nito sa UN Secretary General.
Aniya, inaasahang ngayong araw matatanggap ng UN ito.
Batay sa liham para kay UN Secretary General Antonio Guterres, ang pagbitiw ng Pilipinas sa ICC ay hakbang laban sa mga ginagamit ang karapatang pantao sa pamumulitika. Ito ay sa kabila ng pagtugon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa mga reklamo para protektahan ang mga mamamayan.
Tiniyak naman ng Pilipinas na mangingibabaw pa rin ang rule of law at respeto sa karapatang pantao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.