4 ang patay, 9 sugatan sa gumuhong pedestrian bridge sa Florida

AP Photo

Patay ang apat na katao matapos matabunan ng debris sa gumuhong pedestrian bridge sa Florida International University.

Ayon kay Miami-Dade Fire Chief Dave Downey pawang natabunan ng mga konkretong bahagi ng tulay at naipit sa kanilang sasakyan ang mga nasawi.

Siyam naman ang nasugatan at dinala sa ospital dahil sa mga sugat sa katawan habang nagpatuloy pa ang search and rescue operations gamit ang mga trained canines, seach cameras at sensitive listening devices.

Nagsasagawa na rin ng masusing imbestigasyon sa insidente dahil ang nasabing tulay ay ginagawa pa lamang at nakatakda pa lang pasinayaan.

Ayon sa mga saksi, nakarinig sila ng malakas na tunog na tila pagsabog at pagkatapos ay nakita nilang gumuho na ang tulay.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...