One-stop shop para sa pagproseso ng gun license at iba pang dokumento, binuksan sa Camp Crame

By Mark Makalalad March 16, 2018 - 10:25 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Mas mapapadali na ang pagproseso ng mga lisensya ng baril.

Pinasinayaan na ang one-stop shop building ng Civil Security Group o CSG sa Kampo crame.

Mismong si PNP Chief Ronald Dela Rosa ang nanguna sa pagpapasinaya ng gusali na isang taon din ang inabot ng konstruksyon bago natapos.

Dati kasing paikot-ikot sa paiba ibang gusali ang pagpapalisensya at pagpapadukomento.

Ngayong bukas na ang one-stop shop hindi na mahirapan ang mga nagpapalisensya o magrenew ng mga lisensya ng mga indibidwal na may mga baril.

Dito na kasi ipo-proseso ang license to own and possess firearms o LTOPF.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Camp Crame, gun license, PNP, Camp Crame, gun license, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.