Paghahanda ng Comelec sa Barangay at SK elections dapat pa ring ipagpatuloy

Dapat pa ring ipagpatuloy ng Commission on Elections o Comelec ang paghahanda sa May 2018 elections.

Ayon kay House Suffrage and Electoral Reforms Committee Chairman Sherwin Tugna ito ay kahit pa inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng kamara ang panukalang muling pagpapaliban ng halalan.

Sinabi ni Tugna na dapat na ituloy pa rin ng Comelec ang trabaho nito patungkol sa Barangay at SK polls lalo at proposal pa lamang ang kanilang tinatalakay sa ngayon sa mababang kapululungan.

Dapat anya itong gawin ng poll body hangga’t walang batas na napipirmahan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa muling pagpapaliban ng barangay at SK elections.

Sa ilalim ng House Bill 7378, ililipat sa ikalawang Lunes ng Oktubre ang pagdaraos ng nasabing eleksyon sa halip na gawin ito sa Mayo 14.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...