MRT nakapagpabiyahe agad ng sampung tren sa pagbubukas ngayong umaga
Mula sa kadalasang 7 hanggang 9 na tren na napapabiyahe ng MRT-3, umabot na sa 10 mga tren ang nai-deploy ngayong umaga sa pagsisimula ng biyahe.
Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, alas 6:00 ng umaga 10 tren na ang operational.
Kagabi matapos ang mahabang panahon na laging 8 hanggang 10 tren lang ang bumibiyahe sa maghapon ay sinabi ng MRT-3 na umabot sa 11 ang nai-deploy nilang tren.
Sa kasagsagan ng rush hour alas 5:38 ng hapon, nakapagpabiyahe ng 11 mga tren dahilan para mahigitan ang target na 10 tren.
Umaasa naman ang Department of Transportation na sa buwan ng Abril, aabot na sa 15 ang tren ng MRT-3 ang mapapabiyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.