PDEA sa DILG: 289 lang ang sangkot na barangay official sa droga hindi 9,000
Tila kinontra ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ipinahayag nitong bilang ng baranggay officials na sangkot sa iligal na droga.
Iginiit nit PDEA Director General Aaron Aquino sa isang pahayag na 289 na opisyal lamang ng baranggay ang nasa narco-list ng pangulo.
Ang bilang na ito anya ay batay sa PDEA – National Drug Information System (PDEA-NDIS) at hindi hamak na malayo sa iniulat ni DILG Undersecretary Martin Diño na 9,000 ang sangkot na barangay officials sa kalakaran ng bawal na gamot.
“There are 289 barangay officials in the narco-list of President Duterte based on the Philippine Drug Enforcement Agency National Drug Information System (PDEA- NDIS), far from the 9,000 barangay officials as previously reported,” ani Aquino.
Ayon kay Aquino, sa kanilang bilang ay 143 ang barangay chairman habang 146 naman ang barangay kagawad.
Iginiit ni Aquino na naberipika ang kanilang datos at base ang impormasyong ito mula sa mga ulat ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACS) sa buong bansa.
Samantala, sinabi naman ni Aquino na 207 barangay officials na lang ang aktibo sa kalakaran ng droga sa ngayon matapos maaresto ang 41 at 36 na ang nasawi kung saan lima ang napatay sa anti-illegal drug operations; tatlo ang nasawi sa natural na kadahilanan, isa ang napatay sa pag-atake na may kinalaman sa away-pulitika habang 27 ang biktima ng homicide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.