I-ACT, naghahanda na para sa tigil-pasada sa Lunes

 

Naghahanda na ang Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) para sa ikinakasang tigil-pasada ng transport group na PISTON para sa Lunes, March 19.

Ayon sa I-ACT, sisiguruhin nilang sila ay makapagbibigay ng alternatibong paraan ng transportasyon para sa mga commuters sa araw ng transport strike.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board Spokesperson Aileen Lizada, i-activate ng traffic council ang kanilang Joint Quick Response Team para mabantayan ang mga lugar na pagdarausan ng protesta ng PISTON.

Nakatakda ring i-deploy ang 20 pribadong bus kasama ang mga sasakyan ng gobyerno partikular mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), at Armed Forces of the Philippines -Joint Task Force National Capital Region (AFP-JTF NCR) sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Nasa 40 pulis ang escort ng mga naturang bus na maniningil lamang sa kad pasahero ng P10 para sa non-airconditioned units habang P12 naman sa mga naka-aircon.

Magbabantay din ang HPG (Highway Patrol Group) at mga kawani ng LTO at LTFRB sa mga lugar na pagsasagawaan ng protesta ng PISTON ayon kay Lizada.

Ang protesta ay bahagi pa rin ng patuloy na pagtutuol ng transport group sa jeepney modernization ng pamahalaan.

Read more...