Pinsan ni Parojinog na napatay, anak din umano ng drug lord

By Kabie Aenlle March 16, 2018 - 02:52 AM

 

Blangko pa rin ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng pumatay sa pinsan ng nasawing Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Napatay sa pamamaril si Sandy Daroy sa Purok Malinawon sa Barangay Tinago sa Ozamiz City.

Ayon sa hepe ng Ozamiz City police na si Chief Insp. Jovie Espenido, kaswal lang na naglakad papalayo ang mga salarin matapos nilang barilin si Daroy na tila ba walang nangyari.

Sa ngayon ang napag-alaman pa lamang aniya ng mga pulis ay ang pagiging drug lord din umano ng ama ni Daroy na tinukoy lang bilang “Boy,” na nasawi na ilang taon na ang nakalilipas.

Ayon sa isang source, sinundan ng nakababatang Daroy ang yapak ng ama na dating katiwala din ni Parojinog, ngunit nagdesisyong magpatakbo ng sarili nilang negosyo ng iligal na droga.

Matatandaang napatay si Parojinog sa raid ng mga pulis, kabilang ang mahigit dosenang iba pa noong July 30, habang naaresto naman ang dalawa nitong anak dahil sa umano’y pagkakaroon ng kalahating kilong shabu sa kanilang tahanan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.