Pagkalas ng Pilipinas sa ICC, hindi na kailangan ng basbas ng Senado-Roque
Hindi na kailangan pa ng pagsang-ayon ng Senado sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas na ang Pilipinas sa International Criminal Court.
Ayon kay Roque, walang obligasyon ang Malacañang na ikonsulta pa sa Senado kung magdesisyon ito na bumitiw sa isang tratado o kasunduan.
Ang desisyon aniya ay na sa pangulo lamang dahil ito ang nagsisilbing chief architect ng foreign policy ng isang bansa.
Bukod dito, wala rin aniyang probisyon na isinasaad sa Saligang Batas na nagsasabing kailangan munang iparating ang impormasyon sa Senado bago magdesisyon ang pangulo ukol sa pag-atras sa isang treaty.
Matatandaang sa pamamagitan ng isang liham na inilabas ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, inanunsyo ng pangulo noong Miyerkules ang pormal na pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court.
Ito ay sa gitna ng isinasagawang preliminary examination ng ICC sa reklamong crimes against humanity na inihain laban sa pangulo sa naturang korte dahil sa pinaigting na war on drugs ng administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.