NPA, nang-harass umano sa mga pulis sa Batangas ilang araw bago ang kanilang anibersaryo

By Kabie Aenlle March 16, 2018 - 02:16 AM

Pinagbabaril ng isang grupo ng mga hinihinalang New People’s Army (NPA) ang isang paramilitary base sa bayan ng San Juan sa Batangas.

Ayon kay San Juan police chief Supt. Joemar Labiano, ilang mga hinihinalang rebelde ang namaril sa bagong tayong base ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa Sito Sampaloc sa Barangay Bulsa.

Tumagal umano ng limang minuto ang pamamaril, pero mapalad na wala namang nasaktan sa insidente.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 58 na basyo ng 5.56 caliber rifle.

Ayon pa kay Labiano, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginagawa ito ng NPA para magparamdam ng kanilang presensya bago ang kanilang anibersaryo sa March 29.

Matatandaang noong nakaraang linggo lang ay dalawang sundalo ang umano’y nasugatan dahil sa engkwentrong naganap sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Air Force at NPA sa Batangas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.